Blog Post

07 Mar
By: user 0

Orientation on MAS Scholarship Program, Pinangunahan ni MAYORA BERNADETTE P. SABILI higit SA 2000 Scholars, napadagdag

Pinangunahan ni Mayora Bernadette P. Sabili, Chief of Staff ng City Mayor’s office at President ng MAS Foundation Inc. ang isinagawang Orientation on MAS Scholarship Program noong Pebrero 6, 2018 sa Lipa City Youth and Cultural Center.  Mahigit sa 2000 bagong Scholars ang napadagdag na dumalo sa nasabing event.

Sa Kanyang pananalita, binigyang diin ni Mayora Bernadette P. Sabili ang kahalagahan ng Scholarship na ito.  Mapalad ang mga kabataang Lipeno sapagkat sa buong Pilipinas, tanging ang lungsod ng Lipa lamang ang may mahigit na 30,000 iskolar ng bayan na tunay namang laking tulong o ayuda para sa mga magulang.  Kaya nga’t mariing bilin pa nya na karapat dapat lamang bigyang prayoridad ang pag-aaral ng mga bata sapagka’t para sa mag-asawang Sabili, “edukasyon ang susi ng kaunlaran”.

Ang MAS Scholarship Program ay nasa pangangasiwa ng Gng. Estelita L Saludo, Executive Assistant V for Community Affairs.