Tumanggap ng additional capital for lending na nagkakahalaga ng P 300,000.00 ang Buklod ng Cumba Multi-Purpose Cooperative mula sa lokal na pamahalaan ng Lipa Sa pamamagitan ng City Cooperatives Office na pinamumunuan ni G. Ramelo Mendoza. Ito ay bahagi ng programang pangkabuhayan ng Kgg. Meynard A. Sabili na ang layunin ay mabigyan ng sapat na ayuda ang mga kooperatiba sa Lungsod ng Lipa. Ito ang pang-apat na pagkakataon na nakahiram ang Buklod ng Cumba MPC sa lokal na pamahalaan dahil sa magandang track record nito sa pagbabayad at pamamahala ng kooperatiba.
Sa suporta ni Kgg. Paulino Querubin, ABC President ng Lipa, na siyang unang nagtaguyod ng kooperatibang ito noong Abril 23, 2004 ay patuloy na umuunlad at nagbibigay ng serbisyo sa mga kasapi ng Buklod ng Cumba MPC.
Ang mga kasalukuyang opisyales sa pamumuno ni G. Raymundo Pesigan ay patuloy na naglalaan ng panahon at sarili upang tuklasin kung ano pa ang mga kailangan para mas umunlad pa ang kooperatiba. Para sa kanila ay kinikilala nila ang tulong at suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Sabili sa tuluyang pag-unlad ng kooperatiba na malaki ang bahagi sa kanilang barangay at pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

clear formSubmit