Matagumpay na naisagawa ang Career and Employment Coaching na isa sa mga programa ng PESO Lipa, City Community Affairs Office sa mga Grade 10 students mula sa mga secondary public schools sa lungsod ng Lipa. Ang gawaing ito ay pinangunahan ng PESO Lipa at sinusuportahan ni Mayor Meynard A. Sabili kung saan nagbibigay ng mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa tamang pagpili ng career, personality development at mga tips sa pag-aapply ng trabaho ang PESO Manager na si Mr. John L. Toledo kasama ang staff ng PESO. Naging posible rin ang gawaing ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng PESO Lipa sa DEPEd Lipa sa pamumuno ni Dr. Ludy N. Pasagui, Schools Division Superintendent na siyang nagbigay ng pahintulot na maisagawa ito sa 15 secondary public schools sa lungsod.
Ito ay nagsimula noong ika – 23 ng Agosto, 2016 sa Anilao National High School na sinundan naman sa Bolbok National High School noong August 25, 2016. Samantalang noong August 30, 2016 naman ay sa Bugtongnapulo National High School. Ang ilan pa sa mga naging schedule ay ang mga sumusunod;

September 1, 2016 – Bulacnin National High School
September 5, 2016 – Fernando Air Base National High School
September 13, 2016 – Lipa City National High School
September 14, 2016 – Inosluban-Marawoy National High School
September 15, 2016 – Lipa City National Science High School
September 20, 2016 – Lodlod National High School
September 22, 2016 – Lumbang National High School
September 27, 2016 – Pinagkawitan National High School
September 29, 2016– Pinagtong-ulan National High School
October 4, 2016 – Rizal National High School
October 6, 2016 – San Celestino National High School
October 11, 2016 – San Isidro National High School

Inaasahan naman na malaki ang maitutulong ng naturang gawain sa mga participants kaugnay sa kanilang pagpili ng tatahaking propesyon base sa kanilang interes, values at skills. Magiging batayan nila ito sa ikauunlad ng kanilang personalidad at madadagdagan pa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng edukasyon na magdadala sa kanila sa mas maayos na pagharap sa buhay tungo sa tagumpay na kanilang inaasam./Nimfa T. Manalo (PAIAD-CCAO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

clear formSubmit