Isinagawa ang Mass Distribution ng honorarium ng mga tanod at justice ng 72 barangay ng Lipa noong ika-26 ng Agosto, 2016 (South, North & Urban District) at Agosto 31, 2016 (East & West District) sa Lipa City Youth & Cultural Center. Ang proyektong pagbibigay ng dagdag honorarium ng pamahalaang Lungsod ng Lipa sa mga brgy. functionaries ay nabigyang katuparan sa pamamagitan ng ABC officers at board of directors sa pangunguna ni ABC Pres. Paulino Querubin at ng butihing ama ng lungsod Mayor Meynardo A. Sabili. May kabuuang 1,131 tanod at 597 justice ang nabiyayaan at patuloy na makikinabang sa programang ito. Ang 500 pisong honorarium ng mga tanod at 300 piso naman sa mga justice kada buwan ay napakalaking tulong sa mga lingkod bayaning nagbibigay ng kanilang sarili para sa kaayusan at kapayapaan ng mga barangay sa lungsod. /Anabella L. Mendoza (BDD-CCAO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

clear formSubmit