Patuloy pa rin ang pamimigay ng Educational Allowance para sa mga beneficiaries ng “Sagip-Eskwela Program” sa lungsod ng Lipa sa pangunguna ni Mayor Meynard A. Sabili at Mrs. Bernadette P. Sabili, Pangulo ng M.A. Sabili Foundation, Inc. Ito ay pinangangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Ms. Teresita T. Pesa katuwang ang City Treasurer’s Office sa pamumuno ni Mr. Doroteo P. Rosales. Sa katunayan, 5,150 na mga mag-aaral sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan mula sa mga indigent families sa lungsod ang napagkalooban ng nasabing allowance nitong ika-8 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Lipa City Hall Grounds na kung saan 1,217 sa west district, 1,144 sa south district at 241 naman sa urban district. Habang noong Nobyembre 9 naman ay 1,440 sa east district at 1,108 sa north district. Nasa P300 kada buwan ang educational allowance nila na may kabuuang P900 na natatanggap nila ng quarterly basis. Sa nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng “Family Development Session” ang CSWDO para sa mga magulang ng beneficiaries na nagsidalo upang madagdagan ang kanilang impormasyon para sa mas ikauunlad ng kanilang pamilya dito sa lungsod ng Lipa gayon din ang mga programa ng ating Punong Lungsod Mayor Meynard A. Sabili na patuloy na ipinapatupad na may malaking naiaambag sa kanilang pamumuhay./Vilma O. Paran (CSWDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

clear formSubmit