LIPA

L - Livelihood, Employment, Equality, Free Economic Enterprise

I - Infrastructure, Industry, IT Development, Solid Waste Management

P - Peace, Order, Security and Traffic System

A - Advance Services

L - Livelihood, Employment, Equality, Free Economic Enterprise

Bilang ng mga nakikinabang sa ALTERNATIBONG KABUHAYAN, pumalo na sa 37,738!


Naniniwala si Mayor Eric B. Africa na kailangang tulungan ang mga tao na tulungan ang kanilang mga sarili upang maiangat ang kanilang pamumuhay. Lagi niyang sinasabi na “...tinuturuang mangisda kaysa bigyan ng isda” kung kaya nga nagkaroon ng iba’t-ibang proyekto sa ilalim ng programang Alternatibong Kabuhayan hindi lamang upang malinang ang kasanayan ng mga Lipeño kung hindi upang mabigyan sila ng karagdagang mapagkakakitaan.


Taong 2019 ng unang inilunsad ang programa para sa iba’t-ibang sektor. Bukod sa Sustainable Livelihood Programs, nagkaroon din ng Beads Making para sa mga PWD, Buslo ni Nanay para sa mga nanay ng mga estudyante ng day care, Basket Making para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal, kagamitan para sa Catering Services at Tindahan ni EBA para sa mga miyembro ng Lipeña Aces at Barangulayan para sa mga miyembro ng SMART Lipeños. Sa kasagsagan ng pandemya, namahagi ang lokal na gobyerno ng tulong pinansyal sa mga kooperatiba at mga indibidwal para makapagpatayo ng Talipapa. Nagkaroon din ng Face Mask Making, Apron Making, Candle Making, Tsinelas Making, Pillow Case Making at Technology Livelihood tulad ng dishwashing at disinfectant making bilang tulong sa iba’t-ibang  sektor para maibsan ang hirap ng buhay sa gitna ng pandemya.


Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 37,738 indibidwal na benepisyaryo ng programang ito at inaasahan ang paglobo pa ng bilang na ito sapagkat tuloy-tuloy ang pagpapatupad nito para sa higit na maraming pamilyang Lipeño.

Food Security: Pagkain sa mesa ng bawat Pamilyang Lipeño


Ang Lipa ay naging sentro ng Agri-Farming sa buong lalawigan ng Batangas at nagbigay daan sa atin upang makapagpadala tayo ng iba’t-ibang produkto sa iba’t-ibang lugal sa loob at labas ng ating rehiyon.  Ayon sa ulat ng City Veterinary Office, humigit kumulang 200,000 ulo ng baboy ang kinakatay dito taun-taon. 


Bilang bahagi ng Food Security Program, isa sa mga pangunahing layunin ni Mayor Eric Africa ay ang siguruhin na may sapat na pagkukunan ng pagkain ang ating mga kababayan lalo’t higit sa panahon ng kalamidad at pandemya. Sa pagpasok ng malawakang ASF sa lungsod, marami sa ating mga kababayan ang direktang naapektuhan kung kaya’t minarapat natin silang tulungan sa muling pagbangon ng kanilang kabuhayan. Namahagi tayo sa mga backyard farmers sa ating Lungsod ng libreng baboy at feeds. Bumili din tayo ng sariling traktora upang  tulungan ang ating mga lokal na magsasaka, bukod pa sa mga ibinabang kagamitan ng pamahalaang nasyonal sa atin. 


Upang higit na mapagtibay ang ating programa kasama natin ang tanggapan ng City Veterinarian, City Agriculturist at City Cooperatives Officer sa pamamahagi sa mahigit 1,000 benepisyaryo ng programa ng libreng alagang baka, kambing, manok at itik. Parte din ng ating programa ay ang pamamahagi ng mga libreng abono, pataba at mga pananim.


Bagaman 54% na lamang ang ating lupang pang-agrikultura, tuloy tuloy ang ating programa upang masiguro na may pagkain sa hapag ang bawat pamilyang Lipeño.

Trabaho at oportunidad alay ni Mayor Eric Africa para sa mga Kabataang Lipeño


Matatandaan na bago mag-pandemya, ang mga kakanin sa palengke at kapeng barako ang sasalubong sa sinumang umakyat sa city hall sapagkat ang pamahalaang lungsod ay tahanan ng bawat Lipeño. Kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga nagbabayad ng buwis sa buwan ng Disyembre hanggang Enero kung kaya naman unang linggo pa lamang ng taon ay nakamit ng Finance Committee ang kanilang target collection at ito rin ang dahilan kung bakit higit na naparami at mabilis na naisulong ang mga programa para sa mga tao.


Sa gitna ng pandemya, sunod sunod ang mga negosyong binuksan sa Lungsod ng Lipa. Nagbalik ang tiwala ng mga negosyante o mamumuhunan na naging daan para sa trabaho ng mga Lipeño. Naramdaman nila ang pasasalamat at pagkilala sa kanila sa naging ambag nilang buwis para maisulong ng pamahalaan ang mga benepisyo para sa bawat Lipeño. 


Ang pamunuan ni Mayor Eric ay hindi lamang tumumulong sa pagbibigay ng puhunan upang makatulong sa hanap-buhay. Higit na binigyang halaga din ang trabaho at oportunidad lalung-lalo na para sa mga kabataan. Kahit nagkaroon ng iba’t-ibang kalamidad ay hindi tumigil ang lungsod sa pagpapatupad ng mga programa tungkol dito.


Sa nakalipas na tatlong taon, nagkaroon tayo ng malalaking job fair kung saan 17,168 na trabaho ang ating binuksan para sa mga Lipeño. Sa ating tuloy-tuloy na job placement, nakapagtala din tayo ng 26,916 job openings mula sa 298 partner companies. Ito ang naging dahilan kung bakit tayo kinilala at ginawaran ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng pagkilala bilang LGU with the Most Job Placed noong taong 2020 at 2021. Nagkaroon din tayo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) kung saan 886 na kabataang Lipeño ang ating binigyang oportunidad na makapagtrabaho sa gobyerno sa loob ng 20 araw. Daan ito upang kilalanin tayo bilang Champion City for implementation of SPES ng DOLE Regional.


Mula noong umupo si Mayor Eric hanggang ngayon, nagkaroon tayo ng mahigit kumulang na 1,732 Lipeño Young Professionals na nakapagtapos ng TESDA courses. Ito ang naging dahilan kung bakit kinilala at binigyang parangal ang lungsod ng Lipa hindi lamang bilang Provincial at Regional Awardee kung hindi bilang National Kabalikat Awardee.


Ang Kabalikat Award ay ginagawad sa mga partner institutions sa pagiging aktibo at namumukod tangi sa pagbibigay ng oportunidad, kakayahan at abilidad sa kanyang nasasakupan.


“The partnerships that we have with various sectors continue to grow, especially now that we have intensified our services to the marginalized and the most disadvantaged areas in the country.” Saad ni TESDA Secretary Isidro Lapeña.


I - Infrastructure, Industry, IT Development, Solid Waste Management


UTANG NA INIWAN:HINDI NAGING HADLANG SA MGA PAGAWAING BAYAN


Nakakatuwang isipin bilang Lipeño na nakipagsabayan ang Lungsod ng Lipa sa makabuluhang programa para sa kanyang mamamayan. Bagaman dalawang taon pa lamang ang ating Mayor Eric, dahil taal na Lipeño, alam niya ang tunay na pulso at pangangailangan ng mga tao.

Nabigyang katuparan ang pangarap ng dalawang barangay na ilang dekada ay walang sariling bahay pamahalaan, tulad ng Barangay 6 at Barangay 3. Ang nahihimbing na sementeryo ay nabigyan ng bagong mukha at hindi sinasadyang maging handa ang Lipa sa kasagsagan ng pandemyang-Covid sa pamamagitan ng Libreng Columbarium. Hindi din nagpaiwan ang Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa (KLL) sa kanyang makabagong kantina at laboratoryo. Maging ang pagpasok sa gusali ay kahalintulad na rin sa mga pribadong paaralan na naka ID Pass System.


Prayoridad ng pamahalaan ang mga nagbabayad ng buwis kaya siniguro ang maaliwalas at sistematikong Business One Stop Shop (BOSS). Bukod sa mga libreng gamot laban sa Covid na tanging iilan lamang ang nakakabili tulad ng Remdesivir at Molnupiravir, mabilis na naisaayos ang Quarantine Facility at mga instrumentong kinakailangan para sa malawakang RT-PCR Testing at Rapid Antigen Testing. Kaugnay pa rito ang pagsasaayos ng palengke na sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang deka-dekada ay naalis ang komunoy na pusali sa ilalim ng palengke.


Higit na malaki man ang pondo ng ibang lungsod ngunit pinatunayan naman ni Mayor Eric na kung tama at tapat ang paglalaan at paggamit ng pananalapi ng pamahalaan, marami ang higit na makikinabang.


  Sa katunayan, ayon sa ating City Treasurer Mr. Doroteo Rosales, lumampas tayo sa target nating koleksyon noong 2021 dahilan upang magkaroon pa ng karagdagang pondo para sa iba’t ibang programa ng lungsod. Nasa halos 6% ang itinaas mula local sources katumbas ng halos P51 Million. Ito ay patunay lamang na bumalik na ang tiwala ng mga mamumuhunan sa lungsod sapagkat nakikita at nararamdaman nila ang mga programa natin at alam nila na talagang napapapunta ito sa ating mga mamamayan.


P - Peace, Order, Security and Traffic System


Solusyong pangmatagalan, hindi panandalian


Security, peace and order


Tiniyak ni Mayor Eric Africa ang seguridad sa Lungsod ng Lipa sa pamamagitan ng pagpapaigting ng ugnayan ng pamahalaan, ng kapulisan at ng mga barangay. Ramdam ng PNP Lipa, Bureau of Fire Protection at mga barangay tanod ang pagpapahalaga sa kanila ng pamahalaan. Namahagi tayo ng mga Kawasaki motorcycles at mobile phones sa PNP Lipa kasabay ng pagpapakabit ng mga CCTV sa mga estratehikong lugar sa lungsod. Karagdagang ding pondo at skills training ay ibinigay sa kanila upang palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.


Kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office, sinusugan ni Mayor Eric Africa ang karagdagang mga motorsiklo, service vehicles at ambulansya upang masiguro ang mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa mga nangangailangan ng tulong. Karagdagang service vehicles din ang ipinarating na tulong nina Sen. Ralph at CongW. Vilma Santos-Recto sa mga barangay sa ating lungsod.


Isinaayos din ang Bahay Aruga para sa mga batang naulila at Bahay Agapay para sa rehabilitasyon ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Naging makatao ang pakikitungo sa kanila sa mga nasabing mga institusyon upang lalo’t higit nilang naramdaman ang tamang pagtrato at pagpapahalaga sa kanila ng pamahalaan. 



Hatid na solusyon ukol sa trapiko


Agarang aksyon at pangmatagalang solusyon ang tugon ni Mayor Eric Africa sa problema sa trapiko na dulot ng makikitid na kalye, mga nakatayong gusali na dinatnan na at mabilis na pagdami ng populasyon. Tinatayang nasa 283,468 lamang ang populasyon natin noong 2010 subalit umabot na sa 398,739 ngayong 2021. Ito ang nagbunsod kay Mayor Eric upang isagawa ang mga road widening projects at maglagay ng mga traffic lights sa mga major roads/highways. 


Pinondohan din ang pagbubukas ng mga bagong access roads na mag-uugnay sa mga barangay upang maibsan ang trapiko sa kabayanan. Katulong din natin sina Sen. Ralph at CongW. Vilma Santos-Recto sa paglalagay ng mga iba pang access roads tulad ng Manila-Batangas Bypass Road at ang Lipa-Padre Garcia Diversion Road.  Magiging daan ito upang higit na maging maunlad ang iba pang mga barangay sa lungsod. Nasa 71,584.30 squeare meters na ang naipagawang nating kalsada sa loob ng nakaraang 2 taon. 


Bukod pa riyan ay tiniyak din ang seguridad ng mga pedestrian at motorista sa pamamagitan ng pagpapailaw sa palengke at iba pang mga panulukan sa Lungsod ng Lipa. 



Mga bagong gusali na pinatayo para higit na maging handa ang lipa laban sa sakuna


Saludo ang pamahalaan sa ipinamalas na malasakit, sipag at tapang ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, PNP Lipa, AFP, BFP at mga barangay functionaries. Sa gitna ng nagdaang mga sakuna tulad ng pagputok ng bulkang Taal, mga bagyo at ng nakamamatay na Covid-19, hindi sila natinag sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan. Wika nga ng isa sa mga barangay functionaries, 

“ Ang aming lakas ay hinuhugot namin sa sipag at malasakit ng Ama ng lungsod ng Lipa, Mayor Eric Africa”



Basura sa lipa, naging pera!


Sa simula ng administrasyon ni Mayor Eric Africa, ang problema sa basura ang isa sa mga una niyang isinaayos. Batid ni Mayor Eric na hindi kaya ng pamahalaan lamang ang pagsasaayos nito kung kaya hiningi niya ang tulong ng bawat isa. Naglunsad ng iba’t ibang Environmental Brigade Activities, citywide clean-up drive at Trash to Cash project kung saan ang mga plastik, bote, papel at iba pang kagamitan ay binibili ng pamahalaan at pinapalitan ng kaukulang puntos na pwedeng ipalit ng groceries at appliances. Sa proyektong ito, tinuturuan ang mga mamamayan na maging disiplinado ng tamang pamamanihala ng basura sa kani-kanilang mga tahanan.


Basura kapalit ng semento


1.3 milyong kilograms ng plastic at container bottles ang tinunaw sa Republic Cement bilang bahagi ng programang pangkalikasan ng Lungsod ng Lipa. Kapalit ng isang daang kilong tinunaw na plastic ay 1 bag ng semento. Tinatayang nasa 918.45 bags na semento ang naipon ng lungsod mula sa Republic Cement. 


Hagupit ng bagyo


Siniguro ni Mayor Eric Africa ang kaligtasan ng mga Lipeño laban sa mga bagyong humagupit sa lungsod. Ang lahat ng apektadong mamamayan lalo’t higit ang mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa tabi ng lawa at malapit sa pagbaha ay kaniyang binisita at inilikas sa higit na ligtas na lugar at malayo sa mga danger zones at kaagad nagpapaabot ng mga tulong sa kanila.


Hamon ng ASF


Sa gitna ng pangambang hatid ng Covid-19, hindi rin nakaligtas ang lungsod sa hamon ng African Swine Fever (ASF). Mabilis at tiyak ang pagtugon ng pamahalaan sa pamamagitan ng City Veterinary Office, City Agriculture Office at City Cooperatives Office. Dahil dito, kinilala ang Lungsod ng Lipa bilang kauna-unahang ASF-Free na lugar sa buong bansa. Kinaya ng Lipa sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaan at mga apektadong mamamayan.


BaBay ASF:  The Lipa Way


“Help the Industry at All Cost!”, determinado at matapang nautos na binitiwan ni Mayor Eric B. Africa, kung kaya naman, di nakapagtatakang maitanghal na Model City ang Lipa dahil kauna-unahang lungsod sa buong Pilipinas na napagtagumpayan ang isang pandemya na lumipol at syang naging dahilan ng pagbagsak ng industriya ng pagbababuyan sa buong bansa.


Bago pa man tumama sa Lipa ang ASF, inihanda na at iniutos ni Mayor Eric ang dagliang pagbubuo ng “Quick Response Team”, pagtatayo ng limang (5) stationary animal quarantine, pagtatalaga ng isang Mobile Surveillance Vehicle, “ASF Awareness Campaign” sa dalawampu’t pitong barangay, mahigpit na pagpapatupad ng “No Animal Inspection, No Veterinary Health Certificate, No Slaughter Policy.”  Sa kanyang atas, Executive Order No. 40, series of 2019, binuo ang ASF Task Force noong Setyembre, 2019 at Executive Order No. 49, series of 2020, Pagdedeklara ng Total Ban/Lockdown sa Pagpasok ng Baboy at Pagbebenta ng lahat ng “processed pork products” sa Lungsod ng Lipa.  Naihanda ang Lipa sa mas malalang epekto ng pandemya.


“Hats-off talaga ako kay Mayor Eric B. Africa sa personal nyang pag-aksyon at pagsuporta sa pagsugpo ng ASF.  Bihira ang ganitong katangian sa isang Chief Executive.  Ang ibang Local Chief Executive, inuuna ang pagpapapogi, kaysa solusyunan ang problema,” binitiwang paghanga ni Dr. Ruth Sonaco, Director, National Livestock Program.


Hindi naging madali para sa Lipa ang pagsugpo ng ASF, sa kadahilanang ang lungsod ay mismong nasa sentro ng Lalawigan ng Batangas, sentro din ng komersyo at dito rin matatagpuan ang tanging “Triple A Classification” na slaughterhouse na dalahan ng mga kakataying baboy at baka, galing sa mga karatig na bayan at probinsya.  Dagdag pa rito, ang mabigat na paglaban sa magkasabay na dalawang pandemya na nararanasan ng buong mundo, ang COVID-19 at ang African Swine Fever or “ASF”.


Ika-7 ng Hulyo, 2020 naitala ang unang kaso ng ASF sa Lipa na nagmula sa isang commercial na breeding farm at mabilis itong kumalat sa labing-apat (14) na barangay.  Sa pagkakataong ito, “smallhold hog raisers” ang mga apektado.  Dalawang buwan…24/7 na walang humpay na paghihigpit sa lahat ng checkpoints.  Personal na binibisita ni Mayor Eric ang mga checkpoints at pinupuntahan ang mga smallhold hog raisers, upang tiyakin na sumusunod sa mga health protocols or biosecurity measures upang pigilan ang lalo pang paglaganap ng virus na ito.  Sa kanyang pagbisita na ito, walang kasamang security guard, driver at photographer ang Mayor.


Gayundin, namahagi rin ng mga disinfectants at agricultural lime, sa mga karatig ng mga apektadong barangay.  Patuloy din ang pagtuturo ng “culling protocol” at pagtulong sa mga apektadong smallhold hog raisers.  Samantala, para sa mga malalaking farm, personal na iniutos ni Mayor ang emergency purchase ng backhoe upang ilibing ang libo-libong ulo ng baboy upang di na lumala ang pinsalang dulot nito.


Sa kabila ng kakulangan ng supply, noong kasagsagan ng virus, hindi masyadong tumaas ang presyo ng baboy dito sa lungsod kumpara sa mga karatig na probinsya at maging sa Metro Manila.  Nanatiling may nabibiling ligtas at seguradong kalidad na karne at panatag ang kalooban ng mga Lipeño sa banta ng ASF.  

Sa loob lamang ng labing-isang buwan mula ng tumama ang unang kaso ng virus, naideklarang kauna-unahang lungsod sa buong Pilipinas na ASF-Free Pink Zone Status ang Lipa at ginawaran ng pagkilala ng Department of Agriculture Secretary William D. Dar si Mayor Eric B. Africa, bilang Model LGU in ASF Response.  Isang “model protocol” ang ginawa sa Lipa City at ipinag-utos ni Secretary Dar, na gawing panuntunan ng lahat ng LGUs sa buong Pilipinas.


Sa pangunguna ni Mayor Eric, madaling napagtagumpayan at natapos ang krisis sa pagbababuyan dito sa Lipa.  Ngunit di pa rin sya tumigil, patuloy pa rin ang pagtulong upang higit na mapangalagaan ang industriyang ito.  Pinagkalooban ng mga ‘dumalagang baboy’ ang 64 na smallhold hog farmers na boluntaryong nagsurender ng kanilang mga alagang baboy na may sakit, upang patayin sa kasagsagan ng ASF.


Sa kanyang utos, naipasa ng Sangguniang Panlungsod ang Special Ordinance No. 07-2021, Regulating the Re-Population of Live Hogs in Areas Affected by ASF Through the Bantay-ASF sa Barangay.  Naglaan din ng halagang P1M noong 2021 at 2022, at ginawang P2M ngayong 2023, para sa Animal Emergency Preparedness Budget, na tanging ang Lipa City lamang ang may ganitong pondo.


Patuloy pa rin ang surveillance activities sa lahat ng backyard at commercial farms, slaughterhouse at meat markets kahit deklaradong ASF-free na ang Lipa.  Nagtalaga din ng limampu’t anim (56) na Barangay Biosecurity Officers upang patuloy na magmonitor sa lahat ng farms, tiyakin na ligtas sa sakit ang lahat ng alagang hayop at upang madaliang maireport ang posibleng pagkakaroon ng mga animal diseases, gayundin ang paglabas at pasok ng karne ng baboy sa Lungsod ng Lipa.


Bilang pabuya sa mahusay na pagsugpo ng ASF, binigyan ng Department of Agriculture – National Livestock Program ng isang mini-PCR system na nagkakahalaga ng P300,000, upang magamit sa surveillance.  Para sa animnapu’t anim (66) na smallhold hog raisers, tig-2 biik ang kaloob ng kagawaran parte ng ASF Recovery Program.  Samantalang isandaan at dalawa (102) smallhold hog raisers naman ang nabigyan ng LGU-Lipa ng tig-2 biik, bahagi pa rin ng Enhanced Backyard ‘agri-Livestock Dispersal Project.


Ang lahat ng ito ay ang kakaibang estratihiya na pinatupad ni Mayor Eric B, Africa upang kaagad na masugpo ang ASF at muling sumigla ang industriya ng pagbababuyan sa Lipa, at patuloy na makapag-supply sa iba pang karatig probinsya, lalo’t higit sa Metro Manila.


Sa pahayag na binitiwan ni Former Secretary William Dar, ipinamalita ng Department of Agriculture ang naging pamamaraan ng Lipa City sa pagsugpo ng ASF, daan upang maging sentro ng benchmarking activities ang Lipa, hindi lamang sa Pilipinas, maging ng ibang bansa.  Ilan lamang sa mga bumisita sa Lipa City ang European Chamber of Commerce, French Government, Korean Government ( na naglalayong magtatag ng International Meat Academy sa Lipa), mga postgraduate students ng Indian Government, US Department of Defense at ang United Nations – Food and Agricultural Organization.  Naging Resource Speaker din si Mayor Eric B. Africa sa US Department of Defense – Cooperative Biological Engagement Program.


Kaugnay din nito, sa bisa ng Executive Order No. 94, series of 2021, itinatag ang Food Security Team ng Lipa, na nagbibigay seguridad na lagging may ligtas na pagkain sa bawat hapag kainan ng Pamilyang Lipenyo. Sa ngayon, nariyan pa rin ang banta ng ASF, katunayan patuloy itong namiminsala sa buong Pilipinas, lalo’t higit sa Visayas, ngunit dahil sa isang lider na determinado at sustainable biosecurity practices, patuloy na nagiging ligtas ang Lungsod ng Lipa.  


Pagsabog ng bulkang taal


6,300 na evacuees ang kinalinga sa 16 na evacuation centers sa Lungsod ng Lipa sa loob ng 27 araw.

27,000 na mga homesettlers mula sa mga karatig bayan ang sumilong sa mga barangay. Malaki ang pasasalamat nila sa Lungsod ng Lipa.

500,000 food packs ang ipinamahagi ng pamahalaan sa lahat ng mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal na pansamantalang nanirahan sa lungsod. 



Hamon sa pandemyang Covid-19


7,221 bigas at grocery packs na ang naipamahagi sa mga nagpositibo sa Covid-19.

22, 410 bilang ng mga benepisyaryo ng Medical at Burial Assistance mula sa lokal na gobyerno. (AICS)

652, 749 bilang ng mga nabakunahan sa Lungsod ng Lipa. (As of 2/18/22)

800,000 food packs na ipinamahagi sa lahat ng Pamilyang Lipeño sa loob ng 2-3 buwan ng ECQ

Kinilala ng Inter Agency Task Force (IATF) ang husay at galing ng Lipeño frontliners at ng Pamahalaang Panlungsod ng Lipa sa larangan ng pagbabakuna. Pasasalamat ang nais ipaabot ni Mayor Eric sa lahat ng tumulong at boluntaryong nagbigay ng serbisyo na pinangunahan ng City Health Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Public Order and Safety Office, Department of Health, BHW, BNS, medical frontliners mula sa mga pribado at pampublikong hospital, PNP, AFP, BFP, barangay captains at functionaries at sa lahat ng Lipeño sa kanilang pagsuporta at patuloy na pagkakaisa.


COVID-19 Response


Buong mundo ay nabulaga at nagulat sa matinding pagtama ng COVID-19.  Lahat ay hindi nakahanda sa matinding dagok at epektong dulot nito, tulad ng pagkamatay ng napakaraming mamamayan, matinding hamon sa public health, pagbagsak ng ekonomiya at malawakang pagkawala ng trabaho.  Ang Lipa na nasa mismong sentro ng kalakalan ng buong Probinsya ng Batangas ay hindi nakaligtas dito.  Ngunit nagawan ng paraan ni Mayor Eric B. Africa na gumaan kahit papaano ang sakit at hirap na dulot ng pandemya.


Isang taon bago pa man tumama ang COVID-19 sa bansa nakapagpatayo na si Mayor Eric ng isang “columbarium” na may 250 pitak, bilang paghahanda sa mga “unexpected incidence.”  At sa kasagsagan ng pandemya, ipinag=utos niyang gamitin ang isang malaking “multi-purpose hall” na nagsilbing “Classified Quarantine at Isolation Facilities” na may mga sukat na six thousand (6,000) square meters and one thousand seven hundred thirty three (1,733) square meters, para sa severe, moderate at asymptomatic cases at agaran ding naitayo ang “First Molecular Laboratory”, una sa labas ng Metro Manila.


Nobyembre, 2019 pa lang, namahagi na ng mga “hygiene kits” sa lahat ng eskwelahan sa lungsod at bago maglockdown, minarapat ng DepEd na ipag-utos sa lahat ng mga Principals na i-donate ang mga “hygiene kits” sa lahat ng Punong Barangay.  Lipa City din ang unang lungsod na nagbuo ng “Barangay Health Emergency Response Team” (BHERTS) noong Pebrero, 2020.


Sa pagtama ng ECQ, naihanda ang mga “food packs” na naipamahagi sa lahat ng residente ng 72 barangay.  May kabuuang 800,000 food packs ang naipamahagi simula March 16 - May 15.  Gayundin, nakahanda ang LGU para sa pamamahagi ng medical at burial assistance.  Kabilang ang Lipa City sa iilang mga LGU na kayang magkaloob ng Remdesivir at Molnupiramir, mga mamahaling gamut para sa COVID, na sumagip ng maraming buhay sa tiyak na kamatayan.


Para pigilan ang paglabas at pagpasok ng mga tao sa lungsod, walong (8) checkpoints ang naitayo upang mahigpit na tumugon sa lahat ng IATF Guidelines.  Handa din ang lungsod sa pagkakaloob ng libreng ambulansya, “emergency vehicles”, libreng RT-PCR Swabbing at Antigen Test sa lahat ng “suspected cases” at libreng “cremation services.”


Sa pagdating ng bakuna sa bansa, agarang “door-to-door education campaign” ang isinagawa upang maipaliwanag ang kahalagahan nito sa pagsugpo ng COVID-19.  Ika-20 ng Marso, 2021 unang naisagawa ang RESBAKUNA sa parking lot ng SM Lipa.  Kasunod nito, nagtalaga pa ng dalawampu’t apat (24) na “vaccination sites” kabilang din ang “Vaccination on Wheels” strategy.  Sa loob lamang ng anim na buwan, 100% coverage na ang Lipa City, para sa una at pangalawang dose ng bakuna.  Dagdag pa rito, bukas-loob na inialok ang mga bakuna at pagbabakuna sa mga karatig na bayan dito sa lalawigan.


Lipa City din ang unang nagpatupad ng school-based vaccination sa buong Pilipinas, sa walumpu’t pitong (87) paaralan ng lungsod para sa 13,057 na mga bata.  Sa kabuuan, nagtala ng 745,332 doses ng bakuna ang naiturok sa mga taga-lungsod at karatig-bayan.


Umani ng kabi-kabilang pagkilala ang mga initiatibo ni Mayor Eric B. Africa sa pagsugpo ng COVID-19 sa lungsod at mga karatig-bayan.  Ilan dito ay ang mga sumusunod: National Level: Great Jab Award – City with Highest Vaccination Coverage for CY 2021 (DOH), Gold Award – National Disease Surveillance (DOH), Best Practices for COVID Response – Prevention, Isolation, Treatment & Reintegration Strategy (DOH), Best Practices on Vaccination Program (CSC – Central Office) ;  Regional Level: Best Practices on Vaccination Program (CSC – Region IV); Provincial Level: Top Performing City in Batangas Province (Provincial Health Office) and Top Performing Epidemiology Surveillance Unit in Acute Flaccid Paralysis Detection – Lipa CESU (Provincial Health Office)


Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagbabantay at pagsugpo sa COVID-19, sa pamamagitan ng   pagbabakuna, Antigen at RT-PCR Testing.  Higit sa lahat, patuloy ang pag-aalay sa lahat ng mga apektadong sector upang tuluyang makabangon sa dagok na dulot ng COVID-19.


A - Advance Services


Benepisyo ng mga Lipeño


Sa loob ng isang termino ay nakapaghatid si Mayor Eric Africa ng mga programa at benepisyo sa Pamilyang Lipeño. Mula sa Zero Allocation, tinatayang mahigit kumulang na 94,342 benepisyaryo ang nakikinabang sa mga programa o tumatanggap ng quarterly assistance mula sa lokal na pamahalaan. Ito ay mula sa halos kaparehong taunang pondong gugulin ng pamahalaan. 


Bagaman nagbabayad ng mga naiwang utang ang Lungsod ng Lipa, sa unang anim na buwan ay nakapamahagi na kaagad si Mayor Eric Africa ng Local Pension sa mga Senior Citizens kumpara sa Maynila na nagsimulang mamahagi noong 2020 at Pasig noong 2022. SSS Pensioner ka man o GSIS Pensioner, sa ngayon, sumatutal na 28,535 Senior Citizens o halos 94% ng total population ng senior ang tumatanggap ng quarterly pension. Dahilan ito upang kilalanin ang Lipa ng DSWD bilang 2021 Model LGU for Social Pension for Indigent Senior Citizens. Kasunod nito ang pamamahagi ng quarterly allowances sa 1,824 Solo Parents at 4,039 PWD na bukod pa sa booklet na regular na pinamamahagi ng lungsod. 


Sa larangan ng edukasyon, nagkaroon ng P4(Public Private Partnership for the People) sa pagitan ng eskwelahan at gobyerno. Mula Day Care hanggang kolehiyo, may laang programa ang gobyerno. Kung dati ay may bayad, ngayon wala ng participation fee sa Day Care. Libre din ang ID at uniform. Hinangaan ang Lipa ng National DSWD sapagkat bago pa lamang magkaroon ng pandemya, handa na ang Lipa sa mga modules na nagbabago ang anyo at disenyo. Natatangi ang Lipa sapagkat namahagi ang gobyerno ng 2,166 Radio Transistors at USB sa lahat ng kinder teachers, 2,359 Laptops sa lahat ng public school teachers, 42,053 Samsung Tablets sa lahat ng Grade 8-12 students, magkakapatid man lahat mabibiyayaan, 10,000 Additional Arm Chairs at ang pagkakaroon ng sariling imprentahan kung saan mahigit 2,000,000 sets of modules ang naproduce ng lungsod bilang bahagi ng Distance Learning noong panahon ng pandemya. 38,243 ang bilang ng mga scholar ng lungsod kasama na rito ang mga estudyante mula sa libreng kolehiyo(Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa), TESDA Scholars, at Educational and Financial Assistance Grantees. 9,077 naman ang bilang ng mga benepisyaryo ng Tugon sa Edukasyon na programa para pandagdag sa gastusin ng mga bata mula Grade 1-Grade 7. Sa susunod na taon, bubuksan na sa publiko ang bagong tatag na College of Medicine and Allied Health. Libreng kolehiyo sa mga nagnanais maging Nurse, Midwife, Rad Tech o Med-tech bilang paghahanda kung sakaling magkaroon muli ng problemang pangkalusugan sa hinaharap. 


Bilang pagtugon sa hamon ng malnutrisyon, mayroong 308 benepisyaryo sa ilalim ng Lingap Lipa Program kung saan libre ang medikal at dental check-up kada buwan bukod pa ang 1,000 allowance. Sa dulo ng programa ay nagsipagtapos ang mga bata ng may tamang timbang. Natatangi din ang Lipa sapagkat noong pandemya, tanging Lipa lamang ang nakapamahagi at patuloy na namamahagi ng transportation allowance sa lahat ng Jeepney, Tricycle at Multicab drivers. 5,465 ang benepisyaryo ng programang ito. Nakapamahagi din ang Lipa ng allowances sa 6,851 KASAPI members (Kasamahan sa Pagbangong Inaasam). Namahagi din ng tulong pinansyal sa mahigit 1,000 Balik Bayan partner ng Balik OFW Program ng lungsod.


Gobyerno ang bumababa sa tao. Iyan ang nais ni Mayor Eric Africa kung kaya’t quarterly ay bumababa ang gobyerno sa bawat barangay upang mamahagi ng quarterly benefits ng mga Lipeño. “ Abutin ang hindi pa naaabot, paglingkuran ang lahat ng barangay, purok at sitio.”, wika ni Mayor Eric Africa. 


“Walang Maiiwan, Lahat Mabibiyaan.”


Bukod sa pinamamahaging quarterly benefits sa mga Lipeño, tuloy tuloy ang iba pang social services ng lungsod. Inilunsad ni Mayor Eric Africa ang Womb to Tomb Program. Mula pagsilang hanggang kamatayan, may programa ang gobyerno para sa mga Lipeño. Libre ang kasal. Libre ang check-up at libre ang panganganak sa Ospital ng Lipa. Libre ang papelita(birth registration) sa mga hindi nakapagparehistro. Mali ang spelling, kasarian o petsa ng kapanganak, libre ang correction of entries, libre din ang publication notice nito. Libre ang bakuna. Libre ang pag-aaral mula Day Care hanggang kolehiyo. May libreng training sa tulong ng TESDA para sa mga Out of School Youths. May libreng bahay at lupa, libreng kuntador at ilaw ng tubig sa mga indigent families, libreng alagang hayop sa pamamagitan ng animal dispersal program, libreng pananim o abono, libreng pagpapagamot sa hospital, libreng swab test at rtpcr test, libreng kabuhayan sa ilalim ng alternatibong kabuhayan program. Hanggang mamatay libre ang kabaong at funeral services. Sa mga covid victims, libre ang cremation at maging libingan libre sa Lipa. All of these are compressed in the womb to tomb program of the city. 


Powered by SitesPhil

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

  • GOV.PH
  • Open Data Portal
  • Official Gazette